Accountability Counts

Photo2

Pansin nyo ba? Karamihan sa mga kabataan na nabubuntis ng maaga  ay nasa mga relasyong tago o may tinatago. Sana ay maging bukas tayo sa ating mga magulang at kaibigan pagdating sa relationships.

Kung ikaw ay nasa isang relationship ngayon at hindi ito alam ng mga magulang mo, sana ay iconsider mo na sila ang nagsilang, nag-aruga, nagpaaral at nagturo sa’yo na makatayo at makapaglakad sa sarili mong paa. Hindi natin masusuklian ang mga ito kaya sana ay kahit papaano magbigay galang tayo sa kanila sa pamamagitan ng pagsasabi tungkol sa ating pakikipagboyfriend o girlfriend. Ang pagpasok sa isang relationship with the opposite sex ay isa sa pinakaimportanteng desisyon na gagawin natin sa buhay kaya may pakialam talaga ang parents—na ang tanging hiling lang nila ay mapabuti ka.

Maaari din naman na nasa isang relationship ka ngayon na alam ng mga magulang at mga tao sa paligid mo. Pero… hindi nila alam ang ginagawa ninyo kapag dalawa na lang kayong magkasama. Kapag tinatanong kayo kung ano ang ginawa nyo, saan kayo pumunta, etc. hindi nyo kayang ibigay ang details ng 100%.

Pag sinabi nating accountability, it means: to account for one’s actions. Importante na accountable tayo sa actions natin, lalo na pagdating sa romantic relationships. Hindi natin maikakaila na bukod sa emotional intimacy na nadedevelop sa isang relationship, may progress din sa physical intimacy. Hindi porket passionate ka sa mensahe ng True Love Waits o ilang beses ka pa nag-True Love Waits workshop o naka-attend ng lahat ng waiting/purity related seminars, ay matibay ka na laban sa temptasyon. Sabi nga ni Paul sa Corinthians, “If you think you’re standing firm be careful that you do not fall.”

Wag masyado confident sa sariling kakayanan. God created us to belong in a community and our accountability partners can help us from falling into sin. Narito ang tatlong pinakaimportanteng katangian na sa aking palagay ay dapat mong hanapin when it comes to accountability partners:

  • Maturing in the faith or mas mature sa’yo. This can be your parents, older friends, or pwede din ka-age… basta maturing in the faith.
  • Love nya si God kaya hindi ka nya kukunsintihin: Itatama ka sa mga mali mong ginagawa at ieencourage ka sa mga tama. “Wounds from a friend can be trusted, but an enemy multiplies kisses.” Proverbs 27:6
  • Prayerful. “Therefore confess your sins to each other and pray for each other so that you may be healed. The prayer of a righteous person is powerful and effective.” James 5:16

Hindi madali ang maghanap ng faithful and true accountability partners, lalo na kung alam natin na hindi tayo kukunsintihin nito. Ayaw natin na tinatama tayo kasi madalas feel natin tama lahat ng ginagawa natin. Tandaan mo na in times of temptation, ang enemy natin ay hindi yung nagccorrect sa’yo  pero ang sarili mo. If you really want to honor God with your relationship, don’t hide. Be accountable.

May maidadagdag ka ba sa kung ano ang dapat hanapin sa accountability partners? Share away sa comment section!

****

Post by Christin Alvarez, TLW staff. Christin enjoys getting lost in books and the myriad worlds they contain. She likes people but is too shy to talk to them so she just watches and writes about them in her head. You can find letters she has grouped into words at The Road Goes Ever On.