Ang Alamat ng “I’m Praying for You”

“I’m praying for you.”

Marahil narinig mo na ang mga katagang iyan mula sa mga Kristiyanong lalake na may gusto sa isang babae pero hindi pa sigurado kung ano ang dapat nilang gawin sa kanilang nararamdaman.

Walang masama sa pagdarasal para sa taong napupusuan mo pero ang tanong, kailangan ba itong agad sabihin sa kanya? Yung tipong di ka mapakali kapag di mo nasabi na, “I’m praying for you”? O baka naman ginagamit lang natin si God para maipahayag ang nararamdaman?

Ano ba ang masama kung sabihin? Well, masamang sabihin ito kung nag-uumapaw na emosyon lang ang nagtutulak sa’yo. Bakit kamo? Kasi ito ay isang malaking sanhi ng pag-papaasa na madalas nauuwi sa heartbreak. Ang pagsasabi ng “I’m praying for you” ay 99.5% na madalas katumbas ang pagtatapat ng malalim na damdaming, “Gusto kita” o “Mahal kita” o “I Love You” pero di mo lang masabi kaya “I’m praying for you” muna ang sasabihin mo. At least safe ka kasi si God ang ginamit mong pangsuklob. At least maiisip niya na godly ka kasi pinapanalangin mo siya.

At kapag nasabi mo na ang “I’m praying for you”, 99.5% aasa ang babae sa’yo. At kung babae ang naunang magsabi (wag naman sana), 99.5% na magkakaroon ng confidence si lalake na manligaw. At dahil hindi naman 100% sigurado ang “I’m-praying-for-you” couples sa nararamdaman ganito ang ilan sa mga madalas na nangyayari:

  1. Laging magka-text. At kung hindi kuntento sa pagtetext, nagtatawagan. Uso naman kasi ang Unli. Madalas nagtatapos ang paguusap sa, “I’m praying for you” o di kaya minsan susubukang humirit ng mabilis na “I love you” sabay pindot ng end call.
  2. Laging magka-chat. Kung di kuntento sa chat, video conference ang peg. May pagkakapareho sa pagtatapos ng conversation sa number 1.
  3. Kung kumilos eh daig pa ang mga tunay na magsyota at mga mag-asawa. Minsan kung makapagselos akala mo sila na talaga. Pero hindi. “I’m praying for you” stage lang sila.
  4. Nagbabasa sila na Bible together sa isang coffee shop. Or kung walang gaanong budget sa Jollibee, Chowking o McDo na lang o di kaya sa SM Foodcourt. Minsan may discipleship material na kasama sa pagbasa ng Bible. “Growing in the Lord together” ang tawag nila dito pero ang totoo ito ay isang Date-scipleship Time.

Kung mapapansin mo, ang ganitong scenarios ay isang form ng MU relationship na mukhang safe dahil sa mga katagang “I’m praying for you.” Walang masamang mag-pray para sa taong napupusuan pero hindi ito kailangang ihayag as if nagtatapat ka na. Kung maigting na itinatanong ng damdamin kung siya na talaga pero di ka sigurado, mas mainam siguro kung ititikom na lang muna ang bibig at taimtim na manalangin. Ayon sa Matthew 6:6, mas mainam na manalangin in private.

Sa totoo lang kaya hindi natin mapigilan ang ating mga sarili na magsabi agad ay dahil madalas hindi 100% ang tiwala natin kay God na ipapakita Niya sa tamang panahon kung sino talaga ang para sa atin. Excited tayo masyado.

Sabi sa Bible, there’s a time for everything. There’s a time to be silent and a time to speak. Maaaring sa panahon ng ating kabataan eh kailangan lang muna nating manahimik at maging abala to get to know God deeper imbis na ipagpray ang lahat ng babae o lalake na nagiging crush mo ng “Lord, siya na ba?”

Pero kung pilit na tinatanong ng damdamin mo kung siya talaga, bakit hindi sabihin ito sa iyong parents, pastor, discipler o small group leader? Sila ang mga taong mas makakatulong sa iyo sa panalangin. At kapag dumating ang panahon na gusto mong sabihin mismo  ang “I’m praying for you” sa taong gusto mo, sana ay hindi lamang ito tulak ng damdamin at ito talaga ay tunay na panalangin sa ating Panginoon.

******

Post by Christin Alvarez, TLW staff. Christin enjoys getting lost in books and the myriad worlds they contain. She likes people but is too shy to talk to them so she just watches and writes about them in her head. You can find letters she has grouped into words at The Road Goes Ever On.

18 thoughts on “Ang Alamat ng “I’m Praying for You””

  1. suggestion lang po sa page, nakakaduling po kasi basahin ang black background and white font, try other combinations. thanks po..

  2. i am glad po and thankful na nabasa ko ang passage na ito.. God bless po and continue to inspired Christian/Believer

  3. Ang galing ni God talaga, i came across this blog at the right time. Perfect timing talaga si God 🙂

  4. not too young,not too old,and i can relate to this…hope that youths out there would be able to find this site to be enlightened that true love really waits 🙂 Godbless…

  5. I am a guy and I am guilty of this. Di ko na ulit gagawin ‘to pag di pa talaga time. Can’t explain the pain afterwards. Thanks for the reminder, TLW! Rise up, men of God! We should not be like the world!

Comments are closed.