Blog Inspiration

Simple Lang!

Maikli lang ang buhay. Minsan hindi namamalayan na unti-unting nalalaglag ang bawat dahon sa lupa. Hindi natin napapansin, marami na palang pagbabago at nagaganap. Ang nakakalungkot lang, madalas lumilipas ang mahahalagang sandali nang hindi nabibigyan ng halaga. Nagdaraan ang ilang araw, oras, minuto at segundo nang hindi nakikita ang pagkatuto at kagandahang idinudulot nito sa atin tulad ng pag-ibig.

Isa itong napakagandang regalo ng Diyos sa atin. Hindi ko lang maunawaan kung bakit kailangan nating makasakit at masaktan kapag nagmamahal. Maaring dahil mali ang uri ng pagmamahal na ipinakikita natin. Marahil mali ang panahon at sitwasyon. Maikli lang ang buhay. Gamitin sana natin ito sa mga makabuluhang bagay at sa bawat sandali ng may kasiyahan at pag-ibig. Isang uri ng pag-ibig na sa kapwa’y hindi kinakailangang makasakit at masaktan, wagas at malinis. ang pag-ibig na itinuturo sa atin ng Diyos.

He has made everything beautiful in its time. He has also set eternity in the hearts of men; yet they cannot fathom what God has done from beginning to end.

autumn_leaf_1.jpg
Angelica Eballes of Claret School of Quezon City

4 thoughts on “Blog Inspiration”

  1. grabe!!.. i’m so inspired and blessed to this new blog.. it widens my knowledge to the word “LOVE”..napakabuti ng DIYOS, dahil SIYA ang unang umibig sa atin.. di ko maikakaila ang Kanyang greatness.., kahit minsan nasaktan ako sa mga past na inibig ko pero di nila ako minahal..pero nung narealize ko na may higit na nagmamahal sa akin..ito ay si Kristo..dito nagkaroon ako ng peace of mind..at tamang puso sa pagpili ng mamahalin sa tamang panahon.. nagpapasalmat ako ky God na merong TLW…I LOVE IT!!!…

    ***TRUE10LOVE16WAITS***

  2. i want to write….

    i want to share how our God changed my whole being..

    This site is so great.. and i already spread this to my classmates..
    God bless you all..

Comments are closed.