Crushable Ka Ba?

Crushable Ka Ba?

Nagsisimula daw ang lahat sa crush. Makikita mo siya at may mararamdaman kang tila kakaiba. Sa mga sandaling iyon, may mga katangian–nakikita man ng dalawang mata o nararamdaman–na lalong magsasabi sa’yo na ‘crush’ mo na nga siya.

Exciting ang magka-crush. Lalo na kung pareho kayo ng school o pinupuntahan araw-araw. Gusto mo na lagi mo siyang nakikita o nakakasama. Kahit hindi kayo mag-usap, basta’t alam mong pareho kayo ng ginagalawang mundo at abot kamay (o tingin) lang ang isa’t-isa, buo na ang araw mo. Nakakakilig. Nakakapagpasaya.

Hanggang sa isang araw, mapapaisip ka nalang out of the blue at mapapatanong, “Magugustuhan din kaya niya ako?”

Aminin natin ang katotohanan na minsan may mga crush na hanggang dun lang. Hindi ka na aasa na magiging crush ka din niya. “Ako? Magugustuhan niya? Mukhang malayo mangyari yun.”

Madalas kasi, hindi ka talagang nagugustuhan ng taong gusto mo. #Hugot

Pero ang mas nakakalungkot ay kung ano ang nagiging epekto ng ‘pagkabigo’ sa ‘yo. Naransan mo na bang magduda sa iyong sarili? Ang kwestyunin kung totoo bang may angkin kang ganda, talino o kapasidad? Mapapasambit ka ng mga tanong gaya ng, “Pangit ba ako?” “Anong meron ang iba na wala ako?” “Anong dapat kong gawin para magustuhan niya?” “Kung hindi kaya ako ganito, magugustuhan niya rin ako?”

Ang ending, habang humahanga ka sa iba, panay pintas naman ang nakikita mo sa iyong sarili. Pilit kang nagbabago, nagpapaganda at nagpapagwapo para maging pasado sa paningin ng crush mo. Kailangan mo siyang maconvince na ‘crushable’ ka. Alam mo na, baka sakaling maging kayo sa huli.

Pero kahit kailan, hindi iyon nangyari. Crush mo pa rin siya, habang siya naman ay may kasintahan na. #Ouch. Ito ang madalas na takbo ng istorya at ang one-million dollar question ay naging titulo pa ng libro at pelikula: “Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo?”

Kapatid, may crush ka man o wala sa mga panahong ito, lagi mong tatandaan na ang batayan ng kagandahan o kabutihan ay hindi nakasalalay sa pares ng mata ng mga tao sa iyong paligid–lalo na sa crush mo. Narinig mo na ba ang kasabihang, “Beauty is in the eye of the beholder?” Sa mundong ito, iba-iba daw ang kahulugan ng ‘kagandahan’ depende sa taong tumitingin sa’yo. Pwedeng pangit ka sa iba, pwede rin namang ubod ka ng ganda o gwapo sa iba.

Pero kung ako sa’yo, mas mabuting ikaw ang magdesisyon kung ano ang magiging tingin mo sa iyong sarili at ibatay ito sa sinasabi ng Diyos tungkol sa’yo. Sabi nga sa isang commercial, “Choose Beautiful.” Bakit? Dahil nilikha ka ng Isang Diyos na lumikha sa napakagandang mundo na iyong ginagalawan. Narinig mo na ba ang kantang “Try” ni Colbie Callait? (Search mo siya sa Youtube :)) “You don’t need to try so hard,” ang sabi sa kanta. You don’t need to try to be accepted or loved. Hindi pa uso ang make-up nang nilikha ng Diyos ang tao pero sa kabila ng kapayakan ng mga baga-bagay noon, Siya ay nalugod sa Kanyang nilikha. You are special and loved just the way you are.

Isipin mo ngayon ang Mt. Volcano na may perfect cone, ang Boracay na may white sand na sobrang pino at hindi mo kailan man mabibilang, at ang Underground River sa Palawan na di mo lubos maisip kung paano nabuo. Ang Diyos na lumikha sa lahat ng magagandang tanawin na nakikita mo sa Pilipinas at sa lahat ng bansa– isama mo pa ang buong Universe, Siya rin ang Diyos na lumikha sa iyo. At hindi lang basta basta ka Niya nilikha. Nilikiha ka Niya sa Kanyang wangis. In His own image. #Wow. Tunay nga na you are fearfully and wonderfully made–obvious man ito sa iba o hindi, may crush man sa’yo ang crush mo o wala.

Kaya sana, lagi mong tatandaan na ang tunay na kagandahan ay hindi nasusukat sa dami ng mata na nakatingin sa’yo, kundi sa dami ng mata na napapatingin sa Diyos sa tuwing nakikita ka.

Hindi masama ang mag ka crush. Sa totoo lang, yung crush ko noon sa school, crush ko pa rin hanggang ngayon. May crush din akong artista at may crush din akong hollywood star. Pero huwag sana maging end goal ng iyong buhay ang maging crush ka din ng crush mo at maging sukatan ito ng pagtanggap sa sarili. Huwag ka sanang malunod sa isang kasinungalingan na ikaw ay hindi karapat-dapat, na ikaw ay pangit, o ikaw ay hindi sapat dahil kailanman ay hindi ka napansin ng crush mo.

Ok lang maging “uncrushable.” Ang mahalaga’y unshakeable ang pananalig sa Diyos. Walang nilikhang di kaaya-aya sa Kanyang paningin at walang “makaka-crash” sa katotohanang iyon. 🙂

P.S. I-share mo ito sa iba.

 

Carmela Ann Santos, TLW volunteer
Mel is a lover of written words, kids, and education. She values her faith, family, and her personal time. She dreams of writing a book, doing an interview with Mike Shinoda, and building her bookstore someday. Her favorite topics are faith, love, and others. She finds happiness seeing her loved ones happy. She wants to retire as a mobile teacher and spend the remaining days of her life in Batanes. Read more about her Writing Life at http://carmelameyla.wordpress.com