higit

Higit

Hindi sapat na masarap siyang kausap at kasama.
Hindi rin sapat na parehas kayo ng pinaniniwalaan.
Hindi sapat na mabait siya at tanggap ka niya.
Hindi sapat na palagi kayong nagkakasundo sa maraming bagay.
Hindi sapat na gusto mo siya. Hindi rin sapat na gusto ka niya.
Hindi sapat na mukhang okay. Hindi sapat ang pwede na.
Hindi sapat na sinasang ayunan ito ng marami.
Hindi sapat ang mas sikat o aprubado. Hindi sapat na wala kang nasasaktan.
Hindi sapat na wala ka namang intensyong masama.
Hindi sapat na alam mo ang ginagawa mo.
Hindi sapat na matanda ka na at kaya mo na.
Hindi sapat na matalino ka at mature na.
Hindi sapat na alam mong tama na ang panahon.

Sa totoo lang, hindi rin sapat na paniwalaan mo ang nararamdaman mo.. o niya.. o ang sinasabi ko..

Dahil iisa lang ang sapat at yun ay ang sinasabi ni Lord tungkol sa relasyon na meron ka, tungkol sa taong mahal mo, at sa mga desisyong gagawin mo. Ang mga Salita Niya ay higit pa sa liwanag ng iyong eureka moments o mga sandaling akala mo ay nafigure out mo na lahat. Yung akala mo alam mo na lahat ng susunod na mangyayari pero may ibang plano pala si Lord. Yung akala mo yun na, hindi pa pala. Yung akala mong takdang panahon ay preparation season pa lang pala. Kaya hindi talaga sapat na ikaw lang o tayo-tayo lang. Dahil hindi nga naman nabuo ang mundong ito nang tayo-tayo lang. May mas nakakaalam, nakakatanto at nakakaunawa ng lahat.

May mas higit pa.

May mas higit pa sa “sapat” na inaasam asam natin sa mundong ito.. si Hesus, walang iba.

So saan tayo?
Sa sapat na o sa higit pa?

Alam na.

 


Carmela Ann Santos, TLW volunteer
Mel is a lover of written words, kids, and education. She values her faith, family, and her personal time. She dreams of writing a book, doing an interview with Mike Shinoda, and building her bookstore someday. Her favorite topics are faith, love, and others. She finds happiness seeing her loved ones happy. She wants to retire as a mobile teacher and spend the remaining days of her life in Batanes. Read more about her Writing Life at http://carmelameyla.wordpress.com

Carmela encourages you to volunteer at True Love Waits Philippines to help Connect Filipino Youth with God and His Plan for Absolute Purity https://wagmuna.com/volunteer/ or share with your youth org or school to https://wagmuna.com/invite-us/ To empower our team to reach our nation you might consider supporting the great work that we do and join us in investing in the next generation of our nation’s youth https://wagmuna.com/invest/