I Love You and I Don’t Know Why

“Bakit nga ba mahal mo ako?”

“Hindi ko alam. At alam kong hindi mo rin alam kung bakit mahal mo ako.”

Hindi ko mapigilang matawa at mainis, nang marinig ko ang linyang ‘to sa isang teleserye tungkol sa pangangaliwa. Unang salitang naisip ko: KALOKOHAN.

Una, ang teleserye. At mas higit dun, ang magmahal na hindi mo alam ang dahilan: Ang maramdaman ang pag-ibig na parang sumulpot lang ‘to mula sa kawalan. Parang kabute na biglang lilitaw, kaya bigla din itong mawawala.

Hindi ko ipagkakaila na ganito rin ang pag-ibig para sa akin noong una akong nagka-crush o inakalang “in love” ako. Sabi ko pa nun, pag di mo alam kung bakit mahal mo ang isang tao, yun ang love! Na para bang isang unexplainable phenomenon ang ma-inlove. Pero, unti-unti, sa pagdaan ng panahon at sa paglipas ng mga heartbreak mula sa inakala kong true love, tumambad sa akin ang isang katotohanan:

Ang pag-ibig ay hindi isang feeling na pwedeng andyan o pwedeng wala.

Hindi ito tulad ng “luck” na tsambahan lang. At lalong hindi ito nararamdaman nang walang konkretong dahilan. Marahil may mga pagkakataong napapatitig tayo nang matagal sa isang taong kanais-nais, at instantly, gusto mo na siya. Madalas, “love at first sight” ang tawag dito. Ngunit mas akma atang tawagin itong “attraction at first sight” dahil una sa lahat, nakita mo lang sya. Andun na din ang salitang sight. Hindi mo pa sya kilala o baka nga ni pangalan nya ay hindi mo rin alam.

love eye 1

Kung lahat ng attraction ay mapagkakamalang love, para na rin nating inalisan ng kanyang tunay na value at “buhay” ang pag-ibig. Kung atin lang itong mas bibigyang halaga, makikita natin na mas malalim pa ang pakahulugan nito, lagpas sa nakikita ng ating mga mata at sa nararamdaman nating kilig. Higit sa lahat, ang tunay na pag-ibig ay hindi bulag sa mga dahilan kung bakit ito nabubuhay.

Alam mo ang dahilan kung bakit iniibig mo ang isang tao—mga dahilan na umiikot sa pagkatao nya at hindi sa mga bagay na lumilipas, dahil alam mo na magbago man ang itsura nya o biglang maghirap, hindi mo siya isusuko dahil minahal mo kung “sino” siya at hindi kung “ano” at “anong meron” siya. Kaya naman, pagsusumikapan mo na mahalin siya. Tama. Pagsusumikapan.

Isa sa pinakamahalagang natutunan ko ay ang ituring ang pag-ibig na isang desisyon at hindi isang emosyon na walang kasiguraduhan kung andyan pa bukas. When you decide to love a person, you’ll commit to it, work hard to keep it, and exert efforts to show it. Walang falling out of love sa isang desisyon dahil sa simula pa lang, hindi ka na “in love” kundi PINILI mong magmahal. At ang mga bagay na pinipili ay pinaninindigan.

Kaya naman ang pagkakaroon ng illegal wife o husband ay iisa lang ang pinagmulan: isang pag-ibig na hindi nabigyan ng tunay na kahulugan at hindi napanindigan.

Nadaig ng temptasyon ang puso dahil nabulag siya ng inakala niyang tunay na pag-ibig na nagtuloy sa mga maling gawa. Pag ikaw ay nakakagawa na ng kasalanan dahil sa pag-ibig, think again. Love does not delight in evil but rejoices with the truth. (1 Corinthians 13:6)

Pwedeng masyadong idealistic ang tono ng pagmamahal na aking tinutukoy. Pero that’s the point. True love is so special, so valuable, that it deserves to be regarded as more than just a feeling, an attraction, or some sort of magic na hindi mo malaman kung paano nangyari. Yes, most of the time, hindi mapapaliwanag ng salita ang nararamdaman mo, pero alam mo ang istorya sa likod ng bawat tibok ng iyong puso para sa taong iyon at handa kang gawin ang ano mang maaaring gawin na tama upang mapanatili ang bawat tibok. True Love.

*********

Post by Carmela Ann Santos, TLW volunteer. Mel is a lover of written words, kids, and education. She values her faith, family, and her personal time. She dreams of writing a book, doing an interview with Mike Shinoda, and building her bookstore someday. Her favorite topics are faith, love, and others. She finds happiness seeing her loved ones happy. She wants to retire as a mobile teacher and spend the remaining days of her life in Batanes. Read more about her Writing Life at http://carmelameyla.wordpress.com

3 thoughts on “I Love You and I Don’t Know Why”

Comments are closed.