May True Love Waits Ring Po Ba Kayo?

Maraming nagtatanong kung nagbebenta ba kami ng purity rings o True Love Waits rings. Dati oo, pero ngayon hindi. Hindi ko alam kung magkakaroon pa o hindi na talaga. Pero para saan ba talaga ang singsing na ito at tila napakarami ang gusto na magkaroon nito?

Una, gusto ito ng mga taong mahilig sa palamuti sa katawan. Gusto nilang idagdag sa koleksyon nila ang “cool” na katagang “True Love Waits.” Kasi pag nakita ito ng mga kaibigan niya, mapapasambit sila ng “Uy! True Love Waits? Ang cute naman!”

Pangalawa, gusto itong iregalo ng mga lalake sa best friend nilang girl. Or kahit hindi ganun ang scenario, gusto lang ng kapwa babae at lalake na ipangregalo ito. Kasi pagbukas ng gift at nakita ang mga kataga sa singsing…

“Aww, ang sweet mo naman!”IMG_2026

Kung baga, pampakilig ang effect ng ring o di kaya ay pampagaan ng loob. At kung may itinatago mang pagsinta ang isa sa kanila, ito na ang closest sa hindi magawa-gawang pagtatapat na pwedeng gawin.

Pangatlo, gusto nila ito dahil makakatulong daw ito sa kanilang paglaban sa tukso. Mala-Darna o Captain Barbell ang arrive ng powers nito sa kanila. Inihahalintulad nila ang purity ring sa, “Ding, ang bato!” tapos magpapalit anyo sila bilang isang malakas at di matitinag na superhero pagdating sa pagpapanatili ng kadalisayan.

Hindi ko sinasabi na masama ang lahat ng dahilan na nabanggit. Talaga namang palamuti ang True Love Waits ring. Ano pa at tinawag ito na “ring” kung hindi ipapalamuti? Hindi din naman masama magregalo ng singsing kung nais mo lang talaga mapasaya at ma-encourage ang isang tao. At hindi din naman masama na isuot ito bilang tanda ng iyong paniniwala na ang true love ay talagang nakapaghihintay.

Sana lang ay alam talaga natin kung ano ang ibig sabihin ng True Love Waits at hindi ito ituring na dagdag ganda/pogi points lang pag sinasambit. Ang katagang True Love Waits ay higit pa sa palamuti na cute at sweet. Ang True Love na hinahanap ng bawat isa sa atin ay hindi makikita sa boyfriend/girlfriend relationship o pag-aasawa. Kay God lang ito makikita dahil ito ay nagmumula lamang sa Kanya. Kaya kapag sinabing True Love Waits, sana ay si God ang naiisip natin. At kung totoong naniniwala ka na True Love Waits, sana makita din sa buhay mo kung ano ang True Love. Sabi sa Bible: Love is patient, love is kind, it does not envy, it does not boast, it is not proud. Love others as you love yourself. Love your enemies. Madaling sabihin at pakinggan pero napakahirap gawin.

Kung magtatanong ka ng “May True Love Waits ring po ba kayo?” Ang sagot namin ay isa ding tanong, “Bago mo ito ipalamuti, alam mo ba talaga kung ano ang True Love?”

******

Post by Christin Alvarez, TLW staff. Christin enjoys getting lost in books and the myriad worlds they contain. She likes people but is too shy to talk to them so she just writes about them in her head. You can find her chirping groups of letters at http://twitter.com/PonderosaCanopy

2 thoughts on “May True Love Waits Ring Po Ba Kayo?”

Comments are closed.