“Paano naging kayo?”
“Sinagot ko sya sa text.”
“Paano kayo nag-break?”
“Tinext ko sya na break na kami.”
Siguro narinig mo na ang ganitong klase ng relationship sa mga kaibigan mo o di kaya naman ay nangyari na ito sa’yo. Common today ang ganitong set-up na nagliligawan, nagkakadevelopan, nagkakatuluyan, at nagbbreak through text (or via instant messaging na pinsan ng texting). Pero nakakalungkot na pinapakita din ng ganitong relationships on how we give little value to relating with one another in person.
Pag sa text kasi hindi natin nakikita ang real-time reaction ng kausap natin. Hindi natin naririnig ang boses at pwede lang tayo mag-assume kung masaya, malungkot, galit, mahinahon, o excited ang ka-text natin base sa smileys at punctuation marks na ilalagay nila. Useful ang texting sa pag-coordinate ng schedule and needs pero pag usapang puso na, mas mainam na itabi natin ang cellphones natin at makipag-usap ng harapan.
Pag naging dependent tayo na makipag-usap sa text, inaalis nito ang growth na makukuha mo sa pag-deal sa mga tao. Mabilis na magtago sa text kasi wala kang obligasyon na mag-reply para magpaliwanag. Kung hindi mo feel mag-reply sa pinagtatalunan nyo, pwedeng ipagpabukas o di kaya ay wag na lang pansinin ang text. These are things na gusto natin iwasan in real life pero let’s remember na ang relationship nyo in the future ay hindi via texting. You wouldn’t be texting when you’re together and it’s not possible na ma-address ang serious topics ng relationship through texting.
In communication, text messaging is only an additive and not the main ingredient. Face to face communication is still the best way to start and flourish a relationship. If a person is important, then isn’t it worth taking the time and courage to talk to them face to face? So before ka mag-text para magtapat o sagutin yung nanliligaw sa’yo, think again. Think 10 times. Every person is worth more than a text message, let’s value them.
****
Post by Christin Alvarez, TLW staff. Christin enjoys getting lost in books and the myriad worlds they contain. She likes people but is too shy to talk to them so she just watches and writes about them in her head. You can find letters she has grouped into words at The Road Goes Ever On.
nice :’)