Usapang Tadhana

Ano nga ba ang tadhana? Ito ba ay hangin lang na umiihip sa kahit anong direksyon nya gusto? Na kung saan nya naisip dalhin ka ay doon ka din mapapadpad?

Karamihan sa atin, ipinagpapalagay na ang tadhana ay isang mahiwagang elemento ng buhay na walang direksyon at kasiguraduhan. Kahit na walang kasiguraduhan, pinapahalagahan natin ‘to. Mahiwaga eh.
 
Pero kung iisipin ng mabuti, may kasiguraduhan ang tadhana. Lahat ng pinapanganak sa mundong ito ay nakatadhanang mamatay. May mga bahagi ang buhay natin na talagang nakatakda gaya na lang ng pagtanda at pagkamatay. In short, lahat tayo ay may tiyak na patutunguhan.
 
Kung anuman ang meron tayo ngayon, hindi tayo hinipan ng isang mahiwagang hangin para makarating sa kinatatayuan natin ngayon. Nandiyan  tayo kasi may mga ginawa tayong desisyon  na naglagay sa atin sa posisyon na ‘yan.
 
Nandiyan ka sa trabahong ‘yan kasi nag-apply at natanggap ka dyan. Nandiyan ka sa school na ‘yan kasi nag-enroll ka dyan. Maganda ang grades mo sa school kasi nag-aaral ka ng mabuti (or bagsak ka lagi kasi di ka nag-aaral). Kaya mo boyfriend o girlfriend ang taong ‘yan kasi pinili mo siya. 
 
Hindi ko point kung gusto mo man o hindi yung desisyon. Kahit anong circumstances pa man ang nagdulot nyan, ang point ko ay may desisyon na ginawa. Hindi ka lang basta hinipan ng hangin papunta dyan.
 
Pagdating sa love life (lalo na siguro if napanood mo ang That Thing Called Tadhana), siguro naitanong mo na sa sarili mo, “Sino kaya yung nakatadhana para sa akin?” Or maybe natanong mo din ‘to, “Sino kaya yung arrow ng heart ko?” You know, The Arrow With A Heart Pierced Through Him.
 
Setting the romantic notion aside, ‘yang The Arrow With A Heart Pierced Through Him ay parang si Jesus Christ in the spiritual sense. If we are in Jesus, he’s the one who carries our burdens for us. At hindi lang burdens, even the joys and hopes we have in life, alam at ramdam nya. He lightens our load. Kaya dapat ang heart natin naka-angkla lang sa Kanya at hindi kung kani-kaninong arrow. He’s the only arrow that you can trust not to break.
 
Tadhana? It’s the daily decisions we make. Where do broken hearts go? Hindi ko alam kung saan, pero sigurado ako that the Lord is near to the brokenhearted and that he saves those who are crushed in spirit.
Come to me, all who labor and are heavy laden, and I will give you rest.
Take my yoke upon you, and learn from me, for I am gentle and lowly in heart,
and you will find rest for your souls.
For my yoke is easy, and my burden is light. -Matthew 11:28-30
********
Post by Christin Alvarez, TLW staff. Christin enjoys getting lost in books and the myriad worlds they contain. She likes people but is too shy to talk to them so she just watches and writes about them in her head. You can find letters she has grouped into words at The Road Goes Ever On.

1 thought on “Usapang Tadhana”

  1. Ang Tadhana ay nasa loob ng Kapangyarihan ng Kalooban ng Diyos. Pero nasa sa atin ito kung susundin mo ang tadhana mo na mula sa Diyos. Nasa atin kung paano natin gagawin ito kung susundin mo ba o may iba ka pang gusto. Binigyan naman tayo ng Diyos ng Free Will o Kalayaan na mamili at Kaligayan na gawin natin o hindi. Kung susunod ka sa Diyos, sundin mo ang Kanyang pamaraan pero kung piliin mo ang iyong sarili. Pamaraan mo ang sundin mo.

Comments are closed.